Contact Us
Facebook
  • Home
  • Traffic Sa Subic Part 2 0f 4

Traffic Sa Subic Part 2 0f 4

Part 2 of 4>>Pls Read>> #shareNcare >>TRAFFIC SA SUBIC>>Aminin man natin Sa Hindi,Isa Sa mabigat Na dahilan NG Pag kakabuhol buhol Ng traffic Sa bayan ay kawalan ng disiplina at Pag bibigayan ng bawat sector Ng transportation at pedestrian Kasama Na Ang Mamamayan… pinipilit nating itama o Iayos Ang sector Ng tricycle Sa ating bayan Kung Saan kailangan ng disiplina at hangganan Ang Pag gamit nila ng main road..Naalala Ko noon nang nag implement tayo Ng tricycle ban Sa main road Sa ating bayan ay madaming nagalit Na tricycle driver at nag rally Sa harap ng munisipyo Kung Saan mahigit 200 tricycle Ang pinarada Ang kanilang motor Sa kalsada at Walang makadaan bilang protesta..Ang ganitong sistema ay Lalo Lamang nag palala ng sitwasyon at nag Bigay ng Bigat Sa aking kalooban dahil inakusahan Ako Na walang malasakit Sa maliit Na driver at gusto Ko daw supilin Ang kanilang ikinabubuhay bagkus gusto KO Lang naman itama at Iayos Ang trapiko para Sa lahat..Hindi naman siguro masama himingi ng konting sakripisyo para Sa ikakaayos ng trapiko…Minsan nga may mga sumasagot pa Na driver Ng tricycle Baket daw Sa bayan ng Subic Lang ipipagbabawal Na dumaan Sa highway Ang tricycle eh Sa IBANG bayan naman Pwede..dApat daw ipatupad Ito Sa buong probinsya at WAG silang isingle out dahil traffic din naman daw Sa ibang bayan..Minsan mapapaisip ka dahil Hindi mo ALam Kung seryoso Ang pananaw Na Ganun o sadyang madami Lang pilosopo..Sa Ngaun mahigpit Ang kampanya ng ating pamahalaang bayan Kontra chlorum Na tricycle at naatasan Ko Ang ating vice mayor Na pangunahan ito..sya din Ang nabigyan ng kapangyarihan para Sa Pag babalangkas ng batas para Sa tricycle ban Sa highway..ngunit katulad ng dati madaming nagalit at sumugod Sa opisina,dahil Sa panghuhuli ng chlorum,tayo nanaman ay naakusahan Na pinapatay natin Ang kanilang kabuhayan..bagkus Ang layunin Lang naman natin ay iaayos at itama Ang kanilang kabuhayan..Hindi MADALI Ang magiging hakbang natin sa mga Susunod Na Panahon at Ngaun palang humihingi Na Kami ng dispensa pero kailangan lahat tayo mag sakripisyo..Ang Bawat karapatan ay may hangganan para Sa ikabubuti ng nakararami..Naalala KO minsan ng inilipat Ko Ang paradahan o terminal ng jeep doon Sa malapit Sa andoks para Sa papuntang Norte at Sa fresh options para Sa papuntang olongapo,sobrang dami Ang natanggap nating reklamo Sa pedestrian dahil mapapalayo Ang kanilang nilalakad..gusto Nila UNG malapit Lang at ibalik Sa Mercury drug o wellness Ang terminal at Sa may atrium at Manson drug naman Sa papuntang Norte..umakyat Sa opisina Ko Ang mga opisyales ng cooperatiba ng mga jeep para sabihin Na namamatay Ang kanilang kabuhayan at madaming nagagalit o nag rereklamo Na mananakay at pinahihirapan Ko daw sila dahil inilayo Ko Ang kanilang terminal.meron Na daw nahimatay Sa Pag bubuhat ng mabigat galing palengke at kawawa daw Ang mga Tao galing paaralan,opisina palengke at grocery dahil kailangan nilang mag lakad ng malayo.ang Sagot KO naman kailangan natin ilayo dahil isa Sa dahilan ng Pag sisikip ng trapiko ay Ang Walang pakundangan Na Pag baba at Pag sakay ng mga tsuper ng jeep Sa gitna ng kalsada at Kawalan ng disiplina ng mga mananakay Na Sa Kahit Sa gitna ay pumapara o sumasakay ng Wala Sa terminal dahil napapalayo sila Sa kanilang destinasyon at ayaw maglakad ng kaunti,minsan magmumura pa Pag Hindi nababa Sa gusto Nila Kahit mali o Wala Sa lugar Ang kanilang hinihintuan..Ang kawalan ng disiplina at malasakit at konting sakripisyo Ang isa Sa mabigat Na Dahilan ng traffic Sa bayan..Hindi naman ibig sabihin Na hinuhuli natin o nagiging mahigpit tayo o may binabago Na sistema ay nagiging mapanupil tayo NG karapatan..Minsan kailangan nating mag higpit para Sa ikabubuti ng lahat at Hindi ng iilan Lamang..Sana maunawaan ito ng ating mga tricycle at Jeepney driver pati pedestrian..Kung Walang mag sasakripisyo at Hindi tayo mag bibigayan lalo Lamang magiging grabe Ang problema at Walang hanganang inconvenience para Sa lahat..again Isa Sa problema ay kawalan ng disiplina…TO BE CONTINUED..

Part 1 – http://subic.gov.ph/?blog_post=traffic-sa-subic-part-1-of-4

Trackback from your site.

Leave a comment