Contact Us
Facebook
  • Home
  • Category: new-and-events

Traffic Sa Subic Part 2 0f 4

Part 2 of 4>>Pls Read>> #shareNcare >>TRAFFIC SA SUBIC>>Aminin man natin Sa Hindi,Isa Sa mabigat Na dahilan NG Pag kakabuhol buhol Ng traffic Sa bayan ay kawalan ng disiplina at Pag bibigayan ng bawat sector Ng transportation at pedestrian Kasama Na Ang Mamamayan… pinipilit nating itama o Iayos Ang sector Ng tricycle Sa ating bayan Kung Saan kailangan ng disiplina at hangganan Ang Pag gamit nila ng main road..Naalala Ko noon nang nag implement tayo Ng tricycle ban Sa main road Sa ating bayan ay madaming nagalit Na tricycle driver at nag rally Sa harap ng munisipyo Kung Saan mahigit 200 tricycle Ang pinarada Ang kanilang motor Sa kalsada at Walang makadaan bilang protesta..Ang ganitong sistema ay Lalo Lamang nag palala ng sitwasyon at nag Bigay ng Bigat Sa aking kalooban dahil inakusahan Ako Na walang malasakit Sa maliit Na driver at gusto Ko daw supilin Ang kanilang ikinabubuhay bagkus gusto KO Lang naman itama at Iayos Ang trapiko para Sa lahat..Hindi naman siguro masama himingi ng konting sakripisyo para Sa ikakaayos ng trapiko…Minsan nga may mga sumasagot pa Na driver Ng tricycle Baket daw Sa bayan ng Subic Lang ipipagbabawal Na dumaan Sa highway Ang tricycle eh Sa IBANG bayan naman Pwede..dApat daw ipatupad Ito Sa buong probinsya at WAG silang isingle out dahil traffic din naman daw Sa ibang bayan..Minsan mapapaisip ka dahil Hindi mo ALam Kung seryoso Ang pananaw Na Ganun o sadyang madami Lang pilosopo..Sa Ngaun mahigpit Ang kampanya ng ating pamahalaang bayan Kontra chlorum Na tricycle at naatasan Ko Ang ating vice mayor Na pangunahan ito..sya din Ang nabigyan ng kapangyarihan para Sa Pag babalangkas ng batas para Sa tricycle ban Sa highway..ngunit katulad ng dati madaming nagalit at sumugod Sa opisina,dahil Sa panghuhuli ng chlorum,tayo nanaman ay naakusahan Na pinapatay natin Ang kanilang kabuhayan..bagkus Ang layunin Lang naman natin ay iaayos at itama Ang kanilang kabuhayan..Hindi MADALI Ang magiging hakbang natin sa mga Susunod Na Panahon at Ngaun palang humihingi Na Kami ng dispensa pero kailangan lahat tayo mag sakripisyo..Ang Bawat karapatan ay may hangganan para Sa ikabubuti ng nakararami..Naalala KO minsan ng inilipat Ko Ang paradahan o terminal ng jeep doon Sa malapit Sa andoks para Sa papuntang Norte at Sa fresh options para Sa papuntang olongapo,sobrang dami Ang natanggap nating reklamo Sa pedestrian dahil mapapalayo Ang kanilang nilalakad..gusto Nila UNG malapit Lang at ibalik Sa Mercury drug o wellness Ang terminal at Sa may atrium at Manson drug naman Sa papuntang Norte..umakyat Sa opisina Ko Ang mga opisyales ng cooperatiba ng mga jeep para sabihin Na namamatay Ang kanilang kabuhayan at madaming nagagalit o nag rereklamo Na mananakay at pinahihirapan Ko daw sila dahil inilayo Ko Ang kanilang terminal.meron Na daw nahimatay Sa Pag bubuhat ng mabigat galing palengke at kawawa daw Ang mga Tao galing paaralan,opisina palengke at grocery dahil kailangan nilang mag lakad ng malayo.ang Sagot KO naman kailangan natin ilayo dahil isa Sa dahilan ng Pag sisikip ng trapiko ay Ang Walang pakundangan Na Pag baba at Pag sakay ng mga tsuper ng jeep Sa gitna ng kalsada at Kawalan ng disiplina ng mga mananakay Na Sa Kahit Sa gitna ay pumapara o sumasakay ng Wala Sa terminal dahil napapalayo sila Sa kanilang destinasyon at ayaw maglakad ng kaunti,minsan magmumura pa Pag Hindi nababa Sa gusto Nila Kahit mali o Wala Sa lugar Ang kanilang hinihintuan..Ang kawalan ng disiplina at malasakit at konting sakripisyo Ang isa Sa mabigat Na Dahilan ng traffic Sa bayan..Hindi naman ibig sabihin Na hinuhuli natin o nagiging mahigpit tayo o may binabago Na sistema ay nagiging mapanupil tayo NG karapatan..Minsan kailangan nating mag higpit para Sa ikabubuti ng lahat at Hindi ng iilan Lamang..Sana maunawaan ito ng ating mga tricycle at Jeepney driver pati pedestrian..Kung Walang mag sasakripisyo at Hindi tayo mag bibigayan lalo Lamang magiging grabe Ang problema at Walang hanganang inconvenience para Sa lahat..again Isa Sa problema ay kawalan ng disiplina…TO BE CONTINUED..

Part 1 – http://subic.gov.ph/?blog_post=traffic-sa-subic-part-1-of-4

Traffic Sa Subic Part 1 of 4

>> PART 1 >>pls read #shareNcare >>TRAFFIC SA SUBIC 1 of 4*PART 1*Ang Subic may problema Sa traffic,Sa umaga,Hapon at gabi.Madaming dahilan marahil siguro Sa dami Ng Sasakyan Na dumadaan,Sa sikip Ng kalsada,kulang Sa disiplina ng motorista at pedestrian,dami Ng tricycle at Kung Ano pa.isa Sa nakita Ko Na solution Sa problema Ay Ang Pag kakaroon ng Subic ng isang maayos at maluwag Na bypass road Kung Saan Ang papuntang Zambales ay Hindi Na dadaan Sa mismong sentro ng bayan at Ganun din Sa mga papuntang olongapo…isang solution Na Sa aming Pag tingin ay mag bibigay kaluwagan Sa ating lahat..Ngunit Ang Proyekto Na ito ay nangangailangan mahigit kumulang ng 600 million Na pondo ayon Sa Pag aaral NG DPWH at Engineering department…Sa Ngaun Ang naturang bypass road ay nasa 40 % palang Ang natatapos at Ang nalikom Na pondo ay Hindi pa sapat..Sa Ngaun lumapit nako Sa DPWH Sa tulong din ng ating Congressman dahan dahan naman nilang Ginagawa ang naturang kalsada..lumapit Na din Ako Sa pamahalaang Lalawigan ng Zambales sapagkat itoy Hindi Lamang problema NG Subic Kung Hindi pati buong lalawigan ng Zambales,nakausap Ko Ang ating GOVERNOR at nangako Na tutulong din..Hindi namin Kaya ito ng magisa…kailangan namin ng tulong para matapos Ang NAPAKA importanteng programang pang infrastructura Na ito at Sa lalong madaling panahon..Sana Kami ay lubos Na matulungan dahil buong Zambales Ang makikinabang d2.Akoy nag susumamo at nakikiusap para Kami ay tulungan Sa project Na Ito..Sinisimulan Na din ng DPWH Ang Pag papaluwang ng National Highway Sa bayan ng Subic..Ito ay Proyekto ng National gOvernment dahil nakita nila Na Ang kalsada Sa Subic ay MAKITID at kailangan maging maluwag,Ngunit Ang nasabing Proyekto ay nag Karoon ng problema at madaming tumututol dahil Sa dami Ng bakod Na tatamaan ng ating mga Kababayan at Hindi bale Na daw Na MAKITID Ang kalsada Basta wag nalang daw ITULOY Ang Proyekto..isa Ito Sa mga dahilan Kung Baket Na Na de delay Ang road widening project Sa bayan ng Subic Na mag papaluwang Sana ng ating kalsada..**TO BE CONTINUED**

Bumagsak yung 3 poste NG Zameco at Crane Sa Tulay Sa Baraca Camachile

Bumagsak yung 3 poste NG Zameco at Crane Sa Tulay Sa Baraca Camachile na ginagawa NG DPWH..tinawagan napo Ang DPWH at Zameco..Hindi po makadaan mga Sasakyan..

Medical,dental and Optical Mission with Supplemental Feeding and TB Malaria Screening in Barangay Calapacuan Mayor Jay Khonghun Brgy Capt Timbol Sangguniang Brgy Calapacuan RHU DOH